ISO Certified
News » Blessing of the New Diagnostic Center

News

  

Blessing of the New Diagnostic Center

  July 20, 2011 12:00 AM

 

WELCOME REMARKS: BLESSING OF THE NKTI DIAGNOSTIC CENTER
Dante P. Dator, M.D.
OIC, Deputy Executive Director for Medical Services
July 20, 2011 -8:30 a.m. – 3rd floor, Diagnostic Center
 
 
Magandang umaga! Mga kasamahan at kaibigan sa NKTI. Kanina po ay umuulan, maganda pong simulain at ito ay biyaya galling sa langit. Pagkatapos ay umaraw – ito ay ating ilaw para sa matuwid na landas.
 
Sa wakas, natapos at natupad na din, pagkatapos ng mahigit pitong buwan na paghihintay, ating nabuksan at napaandar na rin ang bagong gusali ng Diagnostic Center.
 
Ito ang ating tugon sa hamon ng pamunuan sa pagpapatupad ng pangkalahatang kalusugan sa mamamayang Pilipino na walang pinipiling antas at kakayahang magbayad.
 
Ito ay para sa inyo, sa atin, sa lahat, at pagpapatunay na kaya natin tapatan o talunin sa kakayahan ang mga pribadong ospital na sila mismong nagpapatalas na sila ang pinakamahusay.
 
Hindi po totoo yan – tahimik lang po tayo pero kaya naitn daigin yan, at katunayan, nakatanggap po ako ng mensahe galling pa sa pasyente mula sa pribadong ospital na ating ooperahan; na tayo at pinupuri dahil mayroon tayong sistema, masinop, at maayos, mababait at nakangiti ang mga doktor at kawani. Bakit lumipat sa atin – dahil di niya kayang bayaran dun sa isa.
 
Ito po ay isa sa katugunan dun sa mga nagdududa at nagtatanong kung bakit tayo gumastos at nagtayo ng ganitong gusali – “para maparating sa nakararami ang kalidad ng medisina na tanggap at angkop sa panahon ngayon.
 
Ngayong araw na ito – kayo pong lahat ay saksi sa isa pang makasaysayang yugto sa aklat ng NKTI. Ito po ay parangal sa ating lahat, lalung-lalo na sa naghirap at nagsakripisyo para matupad ito.
 
Ngayon ay mabibindisyunan na rin tayo, at para sa mapamahiin – para mawala na ang masasamang hangin.
 
Marami pa ring maliit na problema, pero kaya natin yan. Sabi nga ni Dr. Morabe, “Kung hindi mo titirahan itong bahay mo – di mo makikita ang mga problema. Alagaan nyo at pagandahin nyo.”
 
Salamat sa lahat ng sumuporta at tumulong at nakisama sa pagtupad. Salamat sa unang tatlong grupo dun sa ika-apat na palapag – na lakas loob pumayag na una silang lumipat ng walang atubili.
 
Salamat sa grupo ni Eddie Boy – grupo ng PhilCare na araw at gabi ay nagpawis na ihanda ang gusaling ito.
 
Salamat kay Dr. Javier, ExeCom / ManCom sa pagunawa at suporta. At marami pa. ako po ay nagpapasalamat kay Father Rances sa pagdulog niya sa paanyaya na magbigay biyaya sa atin (siguro po ay kailangan natin ng isang dram na banal na tubig). Magumpisa po tayo mula sa taas, pababa.
 
Magandang umaga po sa inyong lahat!
 

Transparency

NKTI Medical Laboratory

Radiology

Transplant News

Inquiries

Careers

Renal Capsule

Contact Us

Follow us on facebook